About the Author

Nasa hayskul ako nang ibigay sakin ang pangalang Juana ng isang magaling na teacher - ikalawang magulang. Noong una, di ko ito matanggap kasi hindi iyon ang kinalakhan kong pangngalan saka may double meaning kasi. Yung tipong nanunukso ba, parang yung mga bansag mo din sa mga kalaro mo nung bata ka pa. Ang kaibahan lang tao rin ang pinang-bansag sakin.

Bakit Juana?

Juana, kasi girl version ng Juan - Juan tamad. Wala laging homework. Nalimutan ang PE uniform. Hindi nagsusuklay. Laging nakatingin sa kawalan. Laging nakikipagdaldalan. Hindi naguubos na baon. atbp.

Alam ba ng totoo mong ina na napalitan ang pangngalan mo?

Oo. Malinaw pa sakin yung araw na nakatanggap kami ng tawag mula sa school. Alam kong boses yun nung magaling kong teacher, iniinvite si mama sa school. Dun nya nalaman na Juana na ang pangngalan ko.

Masakit? >:)

Oo naman. Hindi ako nasaktan para sa sarili ko, bakal ang mukha ko eh. Nasaktan ako para sa mama ko. Kung bakit eh hindi ko alam, basta masakit at ramdam ko parin yung sakit hanggang ngayon pag naa-alala ko. Parang kirot sa kelloid pag nasasagi.

Alam ba ng magaling mong teacher na nasaktan ang mama mo?

Hindi, hindi naman itunuturo sa Physics yun eh, malamang di nya yun alam.

Galit ka ba sa magaling mong teacher?

Hindi. Kung hindi dahil sa magaling kong teacher edi sana wala akong second name at nahirapan akong magisip ng ita-title sa blog na to. Kaya I would like to take this opportunity narin na makapagpasalamat sa putang ina nya at naipanganak sya sa mundo.