Kabaligtaran
sa ingay ng katahimikan
at bagal ng habulan
sa huli ay naguunahan
patungong katapusan ng magpakailanman
nawawala siya ng matagpuan
sa isang maling katotohanan
pusong punong-puno ng kawalan
na nalunod sa kauhawan
sa laki'y nagkasya nalang
sa mga tamang kabalintunaan
pati mga memoryang nakalimutan
naging sigurado sa pagaalinlangan
sa tagumpay ng pagkabigo
ng isang seryosong biro
naging handa ng sumuko
at dumerestso sa pagliko
sa bilis ng sandali
naging halata ang nakakubli
at pirming di mapakali
sa malabong pagkakaintindi
mga impormasyong walang silbi
ikinalat sa isang tabi.
isang malungkot na ngiti
huwag na sanang manatili.
sa ingay ng katahimikan
at bagal ng habulan
sa huli ay naguunahan
patungong katapusan ng magpakailanman
nawawala siya ng matagpuan
sa isang maling katotohanan
pusong punong-puno ng kawalan
na nalunod sa kauhawan
sa laki'y nagkasya nalang
sa mga tamang kabalintunaan
pati mga memoryang nakalimutan
naging sigurado sa pagaalinlangan
sa tagumpay ng pagkabigo
ng isang seryosong biro
naging handa ng sumuko
at dumerestso sa pagliko
sa bilis ng sandali
naging halata ang nakakubli
at pirming di mapakali
sa malabong pagkakaintindi
mga impormasyong walang silbi
ikinalat sa isang tabi.
isang malungkot na ngiti
huwag na sanang manatili.