Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Halika na


walang isang minuto
pero tumigil ang mundo
walang ibang naririnig
kundi kabog ng puso ko

walang halong alcohol
ngunit wala parin maalala
pangyayari'y buhol buhol
hagupit ay parang anesthesia

ngayon alam ko na'ng sikreto
kung paano paglahuin ang mga tao
kung paano patigilin ang trapiko
kung paano patahimikin ang utak ko

kung bakit may paniki sa metro
kung kelan sasabog ang volcano
kung saan napunta ang sukli ko
kung anong gamit ng labi ko

Huwebes, Setyembre 8, 2011

Sorry Ninoy

Sorry Ninoy
(inilipat mula Friendster blog)

"Filipinos are worth dying for" isang mabigat na kataga mula sa isang bayani. Pero teka lang, sino ba yang mga Filipinong yan?

Diba Filipino yung mga bata na muntik nang i-abort ng nanay nila kasi wala ng maipakain? Yung nasa mga kalye ngayon at nagtitinda sampaguita? O yung humihithit ng solvent at sealant? O yung nagnanakaw ng pitaka mo sa palengke? Yung mga nanglilimos na pag hindi mo binigyan ng pera eh mumurahin ka na parang sya ang nagpapalamon sayo? Yung naguubos ng pera sa DOTA sa internet shop? Mga nagpapaka busy sa PS2? O yung mga nasa bahay na ang favorite show ay Willingwili, Eat Bulaga at Hentai? O yung mga marunong ng magpaputok ng armalite at kabilang na sa grupo nila bilang pinaka batang myembro?

http://farm4.static.flickr.com/3139/2553236034_05207f04a0.jpg
 Filipino rin yung mga teenagers na hanggang highschool lang ang natapos, nakatamabay sa mga kalye tuwing gabi at nagaantay na masulyapan ni Darna? Yung kasama sa frat wars, riot at suki ng mga Police Station o Baranggay Station o ng Emergency clinic? Yung mga kakaregla palang eh buntis na at suki naman ng mga abortion clinics sa Pasay? O yung pumapasok lang sa eskwela para sa baon? Yung mga naghahanap ng pang tuition fee habang naka uniform sa University Belt ng 1:00 am? Yung walang inisip kundi ang magpakasaya sa mga bar at club sa Timog at Libis at humithit ng marijuana, shabu? yung mga nagsho-shoping to death para nasa uso lagi? yung mga gumagastos ng 10,000 para sa mga alcohol at Valium sa The Embassy? yung walang iniintindi kundi yung mga split ends nya? O nanghaharang sa mga track ng perishable goods para i hi-jack?


Filipino rin yung mga unemployed na sumasali sa noontime shows para sa easy money diba?  Pati yung mga nagbabasketball sa mga court araw-araw na daig pa ang mga manlalaro ng PBA? Yung mga walang ginawa kundi mangialam ng buhay ng mga kapitbahay para ichismis sa iba? Yung mga busyng busy sa 'jumbo hotdog' at 'malalaking bulaklak'? Yung mga naka pose habang naka two piece sa mga malalaking billboard sa Edsa? Yung mga walang hiyang nagbibilad ng katawan sa Center Fold ng FHM, Playboy , Tik-tik, Maxim at Hustler?   
http://nimg.sulekha.com/philippines-marijuana-2010-9-2-4-10-15.jpg

Filipino din  yung mga masisipag na business minded, yung  nagbebenta ng sariling anak para may makain? Yung  mga nanloloko  ng mga tao sa Quiapo? yung mga gumagawa ng piratang vcd's? Yung mga nagbebenta ng fake na gamot sa Divisoria? Yung mga masisipag na nagtatanim ng marijuana sa Sierra Madre? Yung mga walang pagod na tumatakbong suplyer ng mga adik? yung may-ari ng mga malalaking pabrika ng sigarilyo at alcohol? yung mga nagpupuslit ng Jaguar at Cadillac sa mga pier sa Pampangga? O yung mga tumatanggap ng pera para i-assasin ang mga gustong maging bayani?

 Filipino ring maituturing yung mga nangingibang bansa para kumita ng dolyar diba? Yung mga nagyayabang ng kanilang imported na shampoo, lotion at sabon? Yung mga naghahangad ng Green Card? Yung mga nagsasayaw sa mga bars sa Japan? Mga gumagawa ng sex video sa China? Yung mga naghahanap sa Olongapo ng foreigner para mapangasawa? Yung mga gusto iangat ang pamilya sa pamamagitan ng pagbenta ng sarili? 

http://Malditah.com/internet images/from google search only.
Filipino din yung may malalaking mansion sa bundok? Yung mga mahalaga pa ang buhay ng alagang ahas kesa sa mga katulong nya sa bahay? Yung gumagastos ng 12,000 pesos para sa Olay? Sila ba yung may 5 chedeng sa bahay na di naman ginagamit? Yung mga nangongolekta ng Star War collectibles at N Series? Yung mga ginagawang bakasyunan ang Paris at America? At ginagawang shopping center ang Hongkong at Singapore? Sila ba yung mga nakatira sa mga exclusive subdivision na may shoot to kill order para sa mga papasok dito na di nakatira doon? Yung mga naggagala sa kotseng may malalakas na tugtog o yung mga naggagala sa van na nangungursunada ng mga walang kalaban laban na babae para i-rape? O yung mga naggagala sa mga track at naghahanap ng foreigner na maho-hostage?




At Filipino din yung mga myembro ng sad army, TSG, paracalle, kuratong baleleng, akyat bahay, sputnik, bahala na gang, tao gamma, sigma rho, alpha phi beta,  genuine opposition,  team unity,  Hyatt 10,  Makati business club,  Mafia? O yung mga walang sawang naghahangad ng kalayaan para sa Mindanao?

Filipino din yung mga nangongotong sa jeep, nangongotong sa palengke, nang s-salvage ng mga walang kasalanan, nagf-frame up ng mga probinsyano? Yung mga tagaprotekta ng mga beer house, drug lords, cheap motels at video game houses? Sila ba yung nagu-u turn sa "No U-turn" slot, mga tumatawid sa may "No Jay Walking" na karatula, mga nagtatapon ng basura sa mga tulay at sa kahit saan nila trip? Mga umiihi sa may “Aso lang ang umiihi dito” na karatula? Mga tumatawid sa ilalim ng over pass at ibabaw ng under pass?

http://farm3.static.flickr.com/2597/3779972007_9c03caf60a_o.jpg
Filipino din yung mga nasa city halls na nagm-make up lang? Yung mga nasa Supreme Court na nagt-text? sa Senado na natutulog? sa MalacaƱang na nakikipagphonesex kay Garci?

Sila ba yun o kulang pa? Ilang porsyento na ba ng buong populasyon ng Pilipinas ang mga nabanggit ko? Anak ng pucha! Ang magpabaril para sa kanila? Kahit ata may anting anting ako o siam ang buhay ko di ko yun gagawin. Buhayin nyo nalang ulit si Ninoy.