Biyernes, Oktubre 7, 2011

Bahaghari sa Natapong Gasolina

Sumayaw, kahit na walang tugtog.
Kumanta, kahit ika'y mabugbog.

Magpaganda, kahit na sinasabi nilang pangit ka.
Ngumiti, kahit nanglalabo sa luha ang 'yong mata.

Tumawa, kahit na ginagawa ka nilang katatawanan.
Makisama, kahit ikaw ang napiling pakaisahan.

Makinig, kahit na alam mong wala kang mapupulot na magandang asal.
Manood, kahit parang sakit nalang sa mata at puro lang sila kupal.

Dumeretso, kahit na nahihilo ka na sa kalasingan.
Tumakbo, kahit hindi mo alam ang 'yong pupuntahan.

Lumipad, kahit pakpak ay lupaypay na sa pagod.
Maging matapang, kahit na nanginginig na ang tuhod.

Sumubok, kahit siguradong papalpak ka parin.
Humalik, kahit na maraming nakatingin.

Magpatawad, kahit na alam mong gagawin nya ulit yun sayo.
Magtiwala, kahit nagmamakaawa at ayaw na ng 'yong puso.

Magsabi ng totoo, kahit alam mong sila'y nagsisinungalin lang.
Maging seryoso, kahit na alam mong pinaglalaruan ka nanaman.

Matulog, kahit na wala kang mapapanaginipan.
Gumising, kahit hindi pa nag-ri-ring ang alarm.

Huminga, kahit parang mamamatay ka na sa sobrang sakit.
Gumawa ng tama, utak mo may nababahala sa dami ng kahit.

Ang mahalaga, kahit puro kalechehan nalang ang nangyayari sa buhay mo, mas leche parin sila kesa sayo.



Hindi lang sa langit may bahaghari.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento