Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Halika na


walang isang minuto
pero tumigil ang mundo
walang ibang naririnig
kundi kabog ng puso ko

walang halong alcohol
ngunit wala parin maalala
pangyayari'y buhol buhol
hagupit ay parang anesthesia

ngayon alam ko na'ng sikreto
kung paano paglahuin ang mga tao
kung paano patigilin ang trapiko
kung paano patahimikin ang utak ko

kung bakit may paniki sa metro
kung kelan sasabog ang volcano
kung saan napunta ang sukli ko
kung anong gamit ng labi ko

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento