(inilipat mula Friendster blog)
"Filipinos are worth dying for" isang mabigat na kataga mula sa isang bayani. Pero teka lang, sino ba yang mga Filipinong yan?
Diba Filipino yung mga bata na muntik nang i-abort ng nanay nila kasi wala ng maipakain? Yung nasa mga kalye ngayon at nagtitinda sampaguita? O yung humihithit ng solvent at sealant? O yung nagnanakaw ng pitaka mo sa palengke? Yung mga nanglilimos na pag hindi mo binigyan ng pera eh mumurahin ka na parang sya ang nagpapalamon sayo? Yung naguubos ng pera sa DOTA sa internet shop? Mga nagpapaka busy sa PS2? O yung mga nasa bahay na ang favorite show ay Willingwili, Eat Bulaga at Hentai? O yung mga marunong ng magpaputok ng armalite at kabilang na sa grupo nila bilang pinaka batang myembro?
http://farm4.static.flickr.com/3139/2553236034_05207f04a0.jpg |
Filipino rin yung mga unemployed na sumasali sa noontime shows para sa easy money diba? Pati yung mga nagbabasketball sa mga court araw-araw na daig pa ang mga manlalaro ng PBA? Yung mga walang ginawa kundi mangialam ng buhay ng mga kapitbahay para ichismis sa iba? Yung mga busyng busy sa 'jumbo hotdog' at 'malalaking bulaklak'? Yung mga naka pose habang naka two piece sa mga malalaking billboard sa Edsa? Yung mga walang hiyang nagbibilad ng katawan sa Center Fold ng FHM, Playboy , Tik-tik, Maxim at Hustler?
http://nimg.sulekha.com/philippines-marijuana-2010-9-2-4-10-15.jpg |
Filipino din yung mga masisipag na business minded, yung nagbebenta ng sariling anak para may makain? Yung mga nanloloko ng mga tao sa Quiapo? yung mga gumagawa ng piratang vcd's? Yung mga nagbebenta ng fake na gamot sa Divisoria? Yung mga masisipag na nagtatanim ng marijuana sa Sierra Madre? Yung mga walang pagod na tumatakbong suplyer ng mga adik? yung may-ari ng mga malalaking pabrika ng sigarilyo at alcohol? yung mga nagpupuslit ng Jaguar at Cadillac sa mga pier sa Pampangga? O yung mga tumatanggap ng pera para i-assasin ang mga gustong maging bayani?
Filipino ring maituturing yung mga nangingibang bansa para kumita ng dolyar diba? Yung mga nagyayabang ng kanilang imported na shampoo, lotion at sabon? Yung mga naghahangad ng Green Card? Yung mga nagsasayaw sa mga bars sa Japan? Mga gumagawa ng sex video sa China? Yung mga naghahanap sa Olongapo ng foreigner para mapangasawa? Yung mga gusto iangat ang pamilya sa pamamagitan ng pagbenta ng sarili?
http://Malditah.com/internet images/from google search only. |
At Filipino din yung mga myembro ng sad army, TSG, paracalle, kuratong baleleng, akyat bahay, sputnik, bahala na gang, tao gamma, sigma rho, alpha phi beta, genuine opposition, team unity, Hyatt 10, Makati business club, Mafia? O yung mga walang sawang naghahangad ng kalayaan para sa Mindanao?
Filipino din yung mga nangongotong sa jeep, nangongotong sa palengke, nang s-salvage ng mga walang kasalanan, nagf-frame up ng mga probinsyano? Yung mga tagaprotekta ng mga beer house, drug lords, cheap motels at video game houses? Sila ba yung nagu-u turn sa "No U-turn" slot, mga tumatawid sa may "No Jay Walking" na karatula, mga nagtatapon ng basura sa mga tulay at sa kahit saan nila trip? Mga umiihi sa may “Aso lang ang umiihi dito” na karatula? Mga tumatawid sa ilalim ng over pass at ibabaw ng under pass?
http://farm3.static.flickr.com/2597/3779972007_9c03caf60a_o.jpg |
Sila ba yun o kulang pa? Ilang porsyento na ba ng buong populasyon ng Pilipinas ang mga nabanggit ko? Anak ng pucha! Ang magpabaril para sa kanila? Kahit ata may anting anting ako o siam ang buhay ko di ko yun gagawin. Buhayin nyo nalang ulit si Ninoy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento